Napukaw ng Cagayan ang atensiyon ng mga dumalo sa huling araw ng Philippine Travel Mart ngayong araw ng Linggo, Setyembre 8, 2024 sa SMX Convention, Pasay City sa isang 20-minute exclusive show sa centerstage ng exposition.

Sa pangunguna ni Enp. Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer, nagpakita ng isang makulay na pagtatanghal ang Cagayan. Ipinakita ni Junio-Baquiran ang best offerings ng probinsiya sa isang presentation, kasama din ang mga flagship programs at projects at ang mga plano ni Governor Manuel Mamba sa turismo.

Nagtanghal din ang Gonzaga National High School, National Winner ng Bayle sa Kalye nitong taon kasama ang itinanghal na Mutya Ti Cagayan mula sa bayan ng Tuao ng Pabbarayle Dance Festival nitong nakaraang Aggao Nac Cagayan.

Nagkaroon din ng ibat-ibang gimik at pakulo tulad ng trivia sa pangunguna ng Provincial Tourism Office at masaya itong sinalihan ng mga manonood. Namahagi naman ng mga merchandise products na may Endless Fun, Cagayan branding ang PTO sa mga nanalo.

Dinagsa ng mga nakibahagi sa Phil. Travel Mart ang booth ng Cagayan kung saan sila ay nakatilom ng local delicacies, nakabili ng local products tulad ng arts and crafts, at na-experience ang iba pang tourism offerings ng probinsiya. Dito naipakita din ang ibat-ibang tourist destinations.

Maliban dito, naipakita din ang galing ng mga Cagayano artisan tulad ng Sarakat weavers ng Sta. Praxedes, harpist mula sa Ballesteros, at sining ng Cagayano artist mula sa Cagayano Artist Group, Inc. (Mia Baquiran)