Dumalo ang Cagayan Museum and Historical Research Center sa National General Assembly of the Local Historical Committees Network (LHCN) ng National Historical Commission (NHCP] sa Berjaya Hotel, Makati City nitong Agosto 28, 2024.
Si Niño Kevin Baclig, Museum Director-Curator ang tumayo bilang kinatawan ng Panlalawigang Museo bilang Member-Affiliate ng LHCN-NHCP.
Dumalo rin sa General Assembly ang ilan pang Member-Affiliates mula sa iba’t ibang ahenisya at organisasyon sa bansa.
Si NHCP Chair Regalado Trota Jose ang nagbukas ng programa. Naroon din sina Asec. Jesse Howard Lanete bilang kinatawan ni DILG Secretary Benhur Abalos at Monique Lagdameo, Makati Vice Mayor bilang kinatawan ni Mayor Abby Binay.
Ang LHCN ay isang national network na kinabibilangan ng local historical bodies, national professional historical organizations, local government culture units, local studies centers, higher education institutions, at non-governmental organizations na sumusulong sa local history at yamang kultural.
Ayon kay Baclig, isang karangalan na mapabilang ang Cagayan Museum bilang member-affiliate ng LHCN. “Malaki ang papel ang ginagampanan natin bilang miyembro ng Local Historical Committees Network. Parte tayo ng policy making process para historic affairs na talaga namang karangalan para sa Cagayan at para sa Cagayan Museum and Historical Research Center,” aniya.
Ang Cagayan Museum ang nag-iisang Member-Affiliate ng LHCN-NHCP sa Rehiyon Dos.
Samantala, kasalukuyang nasa National Local History Conference din si Baclig na ginaganap sa Ayala Museum, Makati City.