Pinatunayan ngayon ng mga cacao farmers at producers na maraming magagawa na produkto galing sa cacao sa ikalawang araw ng ‘Padday na Lima’ Provincial Trade Fair na inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ibinida ang dalawang produkto- cacao at kape sa “Cagayan Coffee and Cacao Products” at “Cagayan Innovative Cacao Cook Show” sa pangalawang araw ng pagtatanghal ng trade fair.

Ito ay pinangunahan nina DTI Provincial Director Henry Conel, DOST Provincial Director Teresita Tabaog at Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Chair ng Aggao Nac Cagayan 2022 celebration.

Tampok sa programa ang mga nagwagi sa Cacao Cook Show kung saan inihain ang mga lutong pinoy na may sangkap na cacao. Kabilang sa mga kalahok at mga nagsipagwagi ang mga sumusunod:

-La Flamme Bleue (Mouse de Paulet Au Cacao) na tinanghal bilang 1st place na nag uwi ng P15,000 cash prize;

-The Nueva Segovia Culinaire (Segovia Savory and Fruity Spicy Chicken with Ternatea Petals) 2nd place na may cash prize na P10,000;

-Fun Guys (Pork Tenderloin in Puff Pastry) na siyang 3rd place na mayroong naman cash prize na P5,000.00;

-Cagayan State University Carig Campus (Patatim with Cacao Pulp Extract)

-CSU Carig Campus Team 2 ( Cacao Z/ Cacao Zinagan)

-Bachelor of Science in Food Technology Students (Pork Binagoongan with Chocolate)

-Ejamaru Danao (Duck Breast in Chiputle sauce with corn grits and coconut milk;

-Cagayan State University Lasam Campus (Chicken Adobo de Tablea);

at N.P Garcia Integrated Cacao Farm na may entry naman na (Flinch Eel Chocolate Curry in the Valley).

Samantala, ibinida rin ng mga cacao at coffee farmers at producers ang kanilang produkto kung saan mayroong walong (exhibitors sa cacao at anim (6) na exhibitors naman sa coffee.