Binalangkas ng mga miyembro ng Provincial Development Council ang proposed budget para sa taong 2022 sa naganap na pagpupulong ngayong araw, Oktubre-6.

Pinanguhan ni Governor Manuel Mamba, bilang Chairman ng PDC, ang nasabing pagpupulong kung saan ibinahagi ni Ginoong Reynaldo Ramirez, Provincial Budget Officer, ang kabuuang pondo ng probinsiya na aabot sa P4, 518, 442, 000.00

Sa nasabing halaga ang P3, 897, 492, 842.00 ay mula sa National tax allotment, P1, 000, 000.00 ang galing naman sa share mula sa mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) katulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO), P10, 000,000.00 naman mula sa Cagayan Economic Zone Authority(CEZA) at P610, 211, 200.00 ay mula sa local sources.

Sa total proposed expenditures, P1, 175, 336, 158.00 ay mapupunta sa Personnel services; sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay P614, 184, 200.00; Financial Expenses na may P900, 000.00 at Capital Outlay na P216, 163, 655.00.

Ang iba pang bahagi ng pondo ay inilagay sa Special Purpose Appropriations katulad ng 20% Development Fund, 5% Local Development Risk Reduction Management Fund at Aid To Barangays na nagkakahalaga ng P1, 562, 420, 000.00.

Ang iba naman ay sa Other Development PPAs katulad ng Infra at Non-infra, NTLB at Dev’t Assistance to LGUs na nagkakahalaga naman ng P949, 700, 029.00

Aasahan na isusumite ang budget proposal
sa Sangguniang panlalawigan bago ang Oktubre-16 para sa pagsusuri at pag apruba nito.
Umaasa naman ang punong ehekutibo na maipapasa ito sa tamang panahon at hindi matulad sa mga nakaraang budget ng probinsiya.