Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program (ROCBDC) ang 42 Barangays na drug cleared Barangay sa Cagayan at Isabela.

Ito ay kasabay ng isinagawang 12th ROCBDC Meeting, ngayong araw, September 24,2021 na ginanap sa Blooming Dale Garden and Events Place, Barangay Ajat, Iguig, Cagayan.

Pinangunahan ni Director III Joel Plaza ng ROCBDC ang paggawad ng parangal kung saan nakatanggap ng Certificates of Drug Cleared Barangay ang limang Barangay sa bayan ng Tuao, 13 sa Gattaran at siyam sa Baggao sa Cagayan habang sa Isabela, ay pito mula sa Echague, anim sa Jones at dalawa sa San mateo.

Dinaluhan din nina Director Elpidio Durwin, Assistant Regional director ng DILG Region, Pauline Garcia ng DOH-Region 2, Pcapt Babyrose Cajulao ng PRO2 at anim na kinatawan mula sa anim na bayan na kinabibilangan nina SB Nicanor Turingan Jr.ng Tuao; SB Arnold Jimenez ng Gattaran; Hon. Mayor Joan Dunuan ng Baggao; LGOO VI Michael Villamin ng San Mateo, Isabela ang pagbibigay ng naturang certificates.

Dumalo din sina MLGOO Nestor Camacam ng Jones, Isabela at Dr. Joseph Matthew Alindada ng Echague, Isabela sa pamamagitan ng zoom.

Bukod dito, kasalukuyan na ring bineperipika ng ROCBDC ang isang Brgy sa Sanchez mira sa Cagayan; dalawa sa Quezon at 18 Brgy. sa San Mariano sa Isabela kung napanatili ng mga ito ang pagiging drug-free barangays.

DIGNA BINGAYEN