Sa unang araw ng Marso, may 38 barangays sa bayan ng Solana ang nahatiran ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan o PGC na pinangunahan mismo ng ama ng lalawigan na si Governor Manuel N. Mamba.

Ang tulong pinansyal ay bahagi ng programa ng gobyerno na Aid to Individual in Crisis Situation o AICS na kung saan ang mga benepisaryo nito ay tinukoy na lubhang apektado ng nakaraang bagyong Ulysses at maging ng kasalukuyang pandemya na dulot ng Covid-19.

Bawat benepisaryo ay nakatanggap ng tig-P1000. At nasa kabuuang 2,472 na mga benepisaryo ang nabigyan ng tulong mula sa 2,566 na kabuuang bilang ng mga benepisaryo.

Ang tulong pinansyal ay pinondohan mismo ng tanggapan ni Senator Imee Marcos at dinownload sa pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD habang ang PGC naman ang tumukoy sa mga benepisaryo.

Kasama sa mga nagbahagi ng tulong pinansyal sa mga AICS beneficiaries sa bayan ng Solana ay sina Provincial Administrator Col. Darwin Sacramed, mga kinatawan ng DSWD at PSWDO at mga staff ni Sen. Imee Marcos.

Ang AICS ay regular na programa ng PGC sa pamamagitan ng PSWDO.