Ginawaran ng Provincial Governmet of Cagayan (PGC) ng parangal ang sampung mga kabataang leader matapos kilalanin ang kanilang kahanga-hangang pagkawang-gawa sa isinagawang Cagayan Outstanding Youth Award (COYA) 2024 nitong Sabado, Agosto 31, 2024.

Ito ay matapos dumaan sa screening ang lahat ng mga finalist mula nang ilunsad ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Lalawigan ng Cagayan ang Search for COYA 2024 sa pamamagitan ni Ex-officio Board Member Jirowell Alameda.

Sa naging mensahe ni Board Member Alameda sa isinagawang Gabi ng Parangal, hinimok pa nito ang lahat ng mga pinarangalang kabataan na gawing inspirasyon ang natanggap na pagkilala upang lalong pag-ibayuhin ang paninilbihan sa bawat Cagayano.

Dagdag pa nito, ang dedikasyon at pagpupursigi ng mga pinarangalan sa pagseserbisyo ay isang makabuluhang aspeto upang sila ay ikonsiderang modelo sa lipunan.

Binigyang-diin naman ng Unang Ginang ng Cagayan at Adviser ng COYA 2024 na si Atty. Mabel Villarica-Mamba na tunay na “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Ang COYA aniya ay motibasyon sa mga ito upang isapuso ang paninilbigan sa para bayan.

Ipininto pa ni Atty. Villarica-Mamba ang kahalagahan ng pagsusulong sa mga nasimulang programa at pagtupad sa kanilang mga plano para sa pag-unlad at pagbabago sa lupinan. Paliwanag pa nito, bilang mga kabataan leader ay sila aniya ang pag-asa ng bayan sapagka’t habang patapos na ang mga mas nakatatanda ay nagsisimula pa lamang sila sa pagsusulong ng mga makabuluhang programang makabubuti sa bawat Cagayano.

“Isulong ang mabubuting programa at tuparin ang mga plano. Hindi kayo ang pag-asa dahil kabataan kayo, kayo ang pag-asa dahil habang patapos na ang mga mas matatanda sa inyo, nagsisimula pa lamang kayo,” mensahe ng Unang Ginang.

“Use this time to be better, to do more, to not only be outstanding but to be an advocate for good governance, an advocate against corruption, an advocate against vote buying , to be a good son or daughter, friend, classmate or colleauge, and to be a good Cagayano,” dagdag pa ng Unang Ginang ng Cagayan.

Samantala, ipinaabot naman ni Governor Manuel N. Mamba ang kanyang pagbati sa mga kabataang nakatanggap ng parangal. Saludo aniya siya hindi lamang dahil sa parangal kun’di lalo na sa hindi matatawarang papel ng mga kabataan sa pagtataguyod ng maayos na pamumuno at pagseserbisyo sa kanilang mga nasasakupan at para sa ikauunlad ng lalawigan.

Saad pa ni Gov. Mamba, ang COYA ay simula pa lamang ng kanilang tagumpay kaya hinikayat nito ang mga kabataan na paigtingin pa ang pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga nararapat na hakbang sa pagpapatupad at pagsusulong ng mga programa na makatutulong sa publiko.

“Our youth are the architects of the future and your role is not just important but it is indispensable. Whether it’s through the pursuit of technological advancements, leading initiatives in environmental sustainability, championing moral recovery and people empowernent,” ani Gob. Mamba.

“The Cagayan Outstanding Youth Awards (COYA) is our way of recognizing the leadership, creativity and volunteerism that you our young leaders bring to the table,” dagdag pa ni Gov. Mamba.

Samantala, kasama naman sa mga kinilala at pinarangalan bilang Cagayan Outstanding Youth Awardees ngayong taon ay sina; Jhon Aaron Concepcion, Sherwin James A. Tangan, Aileene A. Pato, Sharlotte A. Ferrer, Dominic L. Danao, Cyd Jesper C. Danguilan, Julius P. Fronda, Romae Angelie G. Tumaneng, Yowell Ched Q. Sedano, at John Vincent A. Ciubal.