Now Playing

PDU30 BINALAAN ANG MGA ALKALDE NA HUWAG MAKIPAG-UGNAYAN SA MAKA-KALIWANG KILUSAN!

News Report
Agosto-23, 2018

Mariing nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng mga municipal mayors sa bansa na huwag makipag-ugnayan sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Ang babala ng pangulo ay inihayag sa harap ng mga punong bayan na dumalo sa League of League of Municipalities of the Philippines (LMP) Visayas Island Cluster Conference na ginanap sa Cebu City kamakalawa.

Binigyang diin ni President Duterte na napakalaki ang mawawala sa poder ng sinumang alkalde na sumusuporta sa mga rebeldeng-NPA.

Tahasang sinabi ng presidente na matatanggalan ng “police powers” ang municipal mayor na may ugnayan sa kilusang-komunista sa bansa.

“And please… do not… do not associate yourselves with the Communist Party of the Philippines… never give them aid and never give them favor… you will lose everything there.. you will lose the power over the police.” diin ni Pangulong Duterte.

Pinayuhan pa ng pangulo ang mga alkalde na ang pinakamainam nilang gawin sa kani-kanilang teritoryo ay tutukan ang problema sa droga at isumbong sa otoridad kung may presensiya ng mga rebeldeng-NPA sa kanilang lugar.

Inihayag pa ng presidente na hindi na kayang resolbahin ng “peace talks” ang problema ng insurhensiya sa bansa lalo at libo-libong pulis at sundalo na ang napaslang sa rebelyon sa bansa.

Magugunitang kinansela na ni Pangulong Duterte ang peace negotiations sa CPP-NPA kamakailan.

🎞 RTVM

No Related Videos