News

“WE NEED CHANGE AND REFORMS SA PROVINCIAL GOVERNMENT OF CAGAYAN”- GOV. MAMBA

By Susan M. Mapa , Provincial Information Office
Published 05:22 PM, May 27, 2019

PRESS RELEASE NO. 15-05
Mayo 27, 2019

“WE NEED CHANGE AND REFORMS SA PROVINCIAL GOVERNMENT OF CAGAYAN”- GOV. MAMBA

Nanawagan si Cagayan Governor Manuel N. Mamba, MD sa lahat ng empleyado ng Kapitolyo na kailangang magkaroon ng tamang disiplina sa sarili, sa trabaho at sumunod sa repormang ipinapatupad niya sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ipinahayag ito ng gobernador sa katatapos na Flag Raising Ceremony sa Capitol Gymnasium ngayong araw, May 27, 2019.

Aniya, nararapat na madisiplina nang husto ang mga kawani ng gobyerno lalo na ang mga nasa permanenteng mga posisyon na magtrabaho ng maayos at hindi lang basta compliance sa trabaho.

Malalaki aniya ang kanilang sahod samantalang ang mga job orders at casuals na mga posisyon ang mas nagtratrabaho ng lahat.

Sinabi pa nito na kung hindi nakakasabay o hindi sang-ayon ang mga ito sa mga repormang ginagawa niya sa kapitolyo ay mas mainam aniya na umalis na lamang sa kanilang trabaho.

“I enjoyed every minute of my work in the government. I choose my work as public servant and never used the money of the people for nothing. I hope you do the same. Magtrabaho tayo ng maayos. Maging ihemplo tayo para sa mga tao. Mag-iwan tayo ng legacy kasi lahat tayo ay tatanda at aalis dito,” sambit ni Gov. Mamba.

Sinabi pa ng Punong Panlalawigan na ayaw niyang sayangin ang oras niya sa tatlong taon pang panunungkulan niya sa Cagayan. Kailangan aniya na masunod ang mga repormang kaniyang sinimulan, mga inobasyon na dapat ay gawin ng bawat empleyado sa pamamagitan ng kanilang disiplina sa kanilang mga sarili at pagtratrabaho ng maayos at tama.

 

“Cagayanos had spoken. Gusto nila ang ginagawa ko kaya ibinigay nila ang love votes na nararapat lamang na suklian ng tamang pagseserbisyo at tamang gobyerno. Hindi ako titigil na labanan ang lahat ng mali dito sa kapitolyo at sa buong Cagayan,” giit pa ni Gov. Mamba.

Dagdag ni Gob. Mamba sa mga department head na dapat isapuso rin ng mga ito ang mga napag-usapan sa mga Management Committee (ManCom) meeting at ibahagi ito sa mga kawani.

Umaasa pa si Gobernador Mamba na makipag-kaisa ang lahat ng kawani ng Kapitolyo sa pangalawang termino nito bilang ama ng Cagayan. “I’m not here to please you.I’m here to make bureaucracy work for the people”, dagdag ni Gov. Mamba.

Samantala, iminungkahi na rin ng gobernador na baguhin ang uniporme ng mga permanenteng empleyado kung saan mula Lunes hanggang Miyerkules ay ang bagong uniform at ang Huwebes at Biyernes ay lumang uniporme. Mananatili naman sa dating uniporme ang mga job orders at casuals ng kapitolyo. (SUSAN L. MAPA 📷FRANCIS JORQUE)