News

VICE GOVERNOR VARGAS, DUMALO SA FLAG-RAISING CEREMONY; NAGBAHAGI NG MENSAHE NG PAGKAKAISA

By Cristine Castro, Provincial Information Office
Published 09:28 AM, September 30, 2019

Kasama sina Governor Manuel Mamba, Board Member Mila Lauigan, mga department heads, consultants at mga empleyado ng Provincial Government ng Cagayan, dumalo si Vice Governor Melvin Vargas sa flag raising ceremony kanina kung saan nagbigay siya ng mensahe ukol sa pagkakaisa ng mga lider para sa probinsya ng Cagayan.

Ayon sa kanya, marami pang oras para gawin kung ano ang karapat dapat para sa probinsya ng Cagayan kaya ang naganap na flag raising kanina ay isang umpisa ng samahan para sa ikabubuti ng mga Cagayano.

“This flag raising is a symbol of unity,” ani Vice Gov. Dagdag pa niya, iisa lamang ang gusto ng mga lider para sa Cagayan at mga Cagayano kaya naman nabanggit rin niya ang pag-asang mas maagang maipasa ang 2020 budget ng Cagayan.

Samantala, sinabi naman ni Gov. Mamba sa kanyang mensahe na kung merong ehemplo at may mangunguna sa Cagayan, dapat ito ay ang Provincial Government ng Cagayan. “This is a very good and fresh start for Cagayan,” aniya.

“I hope that all of us will see the light as we have seen it today,” dagdag pa niya kung saan siniguro niyang gagawin nila ang lahat para mapabuti pa lalo ang Cagayan. (Cristine Castro)