News

UPDATE: PROMO FARE

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 09:39 AM, February 12, 2018

PUBLIC ADVISORY
FEBRUARY 11, 2018

Muli pong ipinababatid sa lahat ng mga mananakay ng mga pumapasadang van sa Cagayan na ang naka-post na “PROMO FARE” ang siyang napagkasunduan sa Dayalogo Sa Kapitolyo na ipinatawag ni Gov. Manuel Mamba na dinaluhan nina LTFRB Region 02 Director Nasrudin Talipasan at mga opisyales ng Federation ng mga Van Operators at Drivers Association sa Cagayan, Kalinga, Isabela at Apayao na ginanap noong Pebrero-06, 2018 sa Governor’s Pavilion, Capitol Complex, Alimanao Hills, Peñablanca.

Ito ay dapat lamang na ipatupad ng lahat ng Van Operators at Driver Association dahil anumang paglabag sa napagkasunduan ay mananagot sa LTFRB batay sa pahayag nina Gov. Mamba at LTFRB Regional Director Talipasan.

I-TEXT KAY GOB. MAMBA ANG MGA VAN NA HINDI SUSUNOD SA NAPAGKASUNDUANG “PROMO FARE” SA MISMONG CELLPHONE NUMBER NI GOB : 09189414695

I-TXT KAY GOB. MAMBA ANG PLAKA NG VAN O DRIVER/OPERATOR NITO AT MISMONG SI GOB. MAMBA ANG MAG-RE-REPORT KAY LTFRB REG. DIRECTOR TALIPASAN.

PARA SA INYONG GABAY AT IMPORMASYON.