News

THANKSGIVING MASS ISINAGAWA SA KAPITOLYO BILANG PASASALAMAT SA HINDI DIREKTANG PAGTAMA NG BAGYONG ROSITA SA CAGAYAN

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:36 AM, November 5, 2018

PRESS RELEASE NO. 01-11
November 05, 2018

GOB. MAMBA IPINAPAKI-USAP SA SP NA IPASA AGAD ANG 2019 PROPOSED BUDGET PARA MATAPOS NANG MA-KONGKRETO ANG 208-KM NA PROVINCIAL ROADS

Isang banal na misa na pinangasiwaan mismo ni Archbishop Sergio Utleg ang isinagawa sa Kapitolyo ngayong araw ng Lunes, Nobyembre-05.

Ang nasabing misa ay isinagawa bilang pasasalamat sa paglihis at pag-hina ng Bagyong Rosita na unang tinayang tatama sa Cagayan kamakailan .

Inialay din ang nasabing misa para sa namayapang si Dr. Ronald P. Guzman na nagawaran ng parangal na Dangal ng Lahing Cagayano Gintong Medalya Awardee noong 2017.

Matapos ang nasabing misa ay sinundan ito ng flagraising ceremony kung saan ang Tanggapan ng Bise Gobernador at ng Sangguniang Panlalawigan ang nakatokang manguna sa naturang seremonya.

Kapansin-pansin na tulad ng mga nagdaan ay hindi na naman dumalo si Vice Governor Melvin Boy Vargas at mayorya sa mga miyembro ng Provincial Board sa kabila na sila ang sponsor ngayong buwan ng Nobyembre.

Tanging si Board Member Rodrigo De Asis ang kumatawan sa pamunuan ng SP kung saan inihayag nito na posibleng maaprubahan na rin ang 2018 Annual Budget ngayon buwan kasalukuyan.

Kaugnay nito ay pabiro inihayag ni Gov. Manuel Mamba sa kaniyang talumpati na inaasahan na niyang ipapasa ng Sangguniang Panlalawigan ang 2018 annual budget ngayong Disyembre subalit ang ipapakiusap nq lamang nito ay ang maagang maaprubahan ang badyet para sa 2019.

Oras na maipasa ang 2019 budget ng maaga ay tinitiyak ng ama ng lalawigan na matatapos ng makongkreto ang unpavee 208 kilometro ng provincial roads.

Kasali din sa paglalaanan sa 2019 budget ang pagbili ng isang grader heavy equipment sa bawat munisipalidad, karagdagang tulong pinansiyal sa No Barangay/ Town Left Behind program ng Pamahalaang Panlalawigan, pondo para sa mga Sangguniang Kabataan (SK) sa bawat barangay at pondo para sa operasyon ng buong lalawigan ng Cagayan.

“Kung mayroon man tayong uunahin dito, yun ay yung mga mahihina at mahihirap. Kailangan natin ng pagbabago at ang pagbabago ay nagsisimula sa mga namumuno. Walang taong walang kasalanan pero kung alam natin na tanggapin ang mga kasalanan natin, we reform ourselves to make a better Cagayan,” ayon sa gobernador.

(Marithe Mata)
Francis Jorque