News

TARGET NA P56 M NA QUARRY TAX REVENUE PARA SA TAONG 2018 NALAGPASAN NA, TREASURY DEPARTMENT NG CAGAYAN SINABING NASA P61 MILYON NA ANG NAKOKOLEKTA

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:30 AM, November 13, 2018

PRESS RELEASE NO. 13-11
Nobyembre 13, 2018

Buong pagmamalaking ipinaaalam ng Quarry Division at Treasury Department ng Provincial Government ng Cagayan (PGC) na nalagpasan na nito ang target na kolektahin para sa taong 2018 na P54 Milyon.

Nagpahayag si Richard Maramag ang OIC Lisence and Fees Division ng Treasury Dept. na sa buwan pa lang ng Oktubre 2018 ay umabot na ng P60. 97 Milyon ang nakalap na buwis ng PGC.

Ang halagang halos P61 Milyon ay lagpas sa itinakdng P56 Milyon para sa taong 2018.

Sinabi rin ni Maramag na ang magkasunod na taon ng Administrasyon ni Gobernador Manuel Mamba ang maituturing na pinakamatataas na taon ng koleksiyon ng buwis sa sand and gravel o quarry aggregates sa kasaysayan ng lalawigan.

Dagdag pa ni Maramag na ang tagumpay ng nagaganap na koleksiyon ng buwis sa quarry ay patunay ng maayos na pamamalakad at political will ni Gob. Mamba para isaayos ang kalakaran ng quarry sa lalawigan.

Sinabi naman din ni Edwin Jesus O. Buendia Jr. na ang hanay ng Bantay Quarry ng Cagayan ay magpapatuloy na tatalima sa pagtupad sa mga nakaatas nilang tungkulin para mas mapangalagaan ang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na mapakinabangn ng lalawigan ng tama ang likas yaman nito at maproteksiyunan ang interest ng mga bayan at barangay.

Nagpapasalamat din ang Bantay Quarry Checkers ng lalawigan kay Gob. Mamba dahil sa suporta nito sa kanilang hanay. Magugunita na nabigyan ng 19 na motorsiklo ang Quarry Division uoang maipamahagi ito sa mga ibat ibang kawani ng Bantay Quarry upang kanilang magamit sa pagpapatrolya sa kanikanilang area of responsibility.

Dagdag pa ni Buendia, na ginagawang ehemplo ng ilang lalawigan sa Rehiyon Dos ang pamamaraan ng Cagayan sa pamamahala ng mga quarry sites nila. (Eugene Carlo C. Tolosa  Kaiser Cabbuag)