News

QUARRY TAX REVENUE NG PEBRERO 2018 UMABOT NG P6.7 MILYON

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:34 AM, March 7, 2018

PRESS RELEASE NO. 03-03
March 06, 2018

QUARRY TAX REVENUE NG PEBRERO 2018 UMABOT NG P6.7 MILYON

Patuloy ang pag-angat ng Quarry Tax Revenue Collection ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtatapos ng Pebrero 2018.
Ito ang ibinalita ni Edwin Jesus O. Buendia Jr. tagapamahala ng Quarry Operation sa Cagayan.

Ayon kay Buendia, umabot sa halagang P6.7 milyong piso ang nakolekta ng Kapitolyo para sa buwan ng Pebrero 2018, higit na mataas sa P5.2 milyon piso na nakolekta noong nakaraang buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.

Dagdag pa ni Buendia, na kanilang aasahan ang patuloy na pagtaas ng koleksiyon sa pagpasok ng panahon ng tag araw dahil itinuturing itong peak season ng Quarry Operation sa lalawigan.

Sa pagtataya pa ni Buendia, ang taunang target na P56 Milyon para sa taong 2018 ay kanilang kayang lampasan o higitan dahil narin sa patuloy na pagiging masigasig at dedikadong pagbabantay ng kanilang hanay sa lahat ng mga Quarry Sites sa probinsiya.

Ilan pa sa mga ibinalita ni Buendia ay ang pagdaragdag ng mga Bantay Quarry Checkers sa probinsiya na ikalat sa buong lalawigan ng Cagayan at ang pagtatayo ng mga Bantay Quarry Checkpoints sa lahat ng pasukan at labasan sa lalawigan.

Pagtatapos pa ni Buendia, sinabi nito na ang lahat ng mga hakbangin at alituntuning kanilang gagawin ay upang masiguro na mapasakamay ng taong bayan ang mga benepisyo nakukuha mula sa likas yaman ng Cagayan.

– Eugene Carlo C. Tolosa