News

PDC, INAPRUBAHAN ANG MGA MAHAHALAGANG RESOLUSYON NA MAGSUSULONG PA SA DEVELOPMENT AGENDA NG PGC

By Cristine Castro, Provincial Information Office
Published 12:00 PM, September 30, 2019

Ipinasa ng Provincial Development Council (PDC) ang pitong(7)resolusyon na inilatag sa naganap na en banc conference ngayong araw ng Lunes, Setyembre-30.

Ang PDC En Banc Conference ay pinangunahan mismo ni Gov. Manuel Mamba kung saan hinimok nito ang lahat ng miyembro ng konseho na pagtibayin ang mga nakalinyang programa hindi lamang ngayong taon kundi ang mga isusulong pa sa taong 2020.

Kaugnay nito ay pinagtibay ng buong PDC ang mga sumusunod: pagkumpirma sa membership ng mga NGOs, PSOs, POs at CSOs at ang pagtalaga kay Hon. Ronald Ortiz bilang miyembro ng PDC Executive Committee, reorganization ng composition/membership ng PDC, pagpatibay sa mga prayoridad na programa at proyekto sa Provincial Development Investment Program for Planning Period 2019-2022.

Kabilang pa sa inaprubahan ay ang pag-endorso ng Annual Investment Plan 2020; pagrekomenda sa Sangguniang Panlalawigan ng change of allotment class/change of project title of various projects sa No Town Left Behind; reorganisasyon at pagpapalakas sa iba’t ibang sektoral komite at paghimok sa mga alkalde at kapitan na magtalaga n barangay population worker/volunteer sa bawat Barangay.

Samantala, ikinagalak naman ng buong miyembro ng PDC an padalo ni Vice Governor Melvin Boy Vargas at mayorya sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Dumalo din ang karamihan sa mga municipal mayors sa pangunguna ni LMP Cagayan President Sto Niño Mayor Vincente Pagurayan. (CRISTINE CASTRO)