News

PANGONGOLEKTA NG MAHIGIT P2.5M REALTY TAXES SA LALAWIGAN, IPAPATUPAD NG PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:36 AM, November 13, 2018

PRESS RELEASE NO. 12-11
Nobyembre 13, 2018

Ipapatupad na ng Provincial Assessor’s Office (PAO) ang pangongolekta ng mahigit P2.5M Realty Taxes sa mga real properties ng lalawigan.

Ang nasabing halaga ay hango sa maigting na pagtasa at ebalwasyon ng mga Municipal Assessors mula sa buwan ng Agosto 20 hanggang Oktubre 26 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Atty. Rhodora Orro-Enaman, Provincial Assessor, ang buwanang pagtasa ay batay sa pangunahing mandato ng kaniyang tanggapan bilang taga-pangasiwa sa pagtasa ng mga real properties kung saan ito ay isa sa pangunahing pinagmumulan ng buwis ng ating probinsiya.

Aniya, ang mga buwis sa ari-arian ay mga koleksyon na ipinapatupad sa mga tunay na ari-arian gaya ng mga sumusunod: a) declared for the first time; b) transferred due to change in ownership either in the form of donation, sale of real property and other form of alienation; or c) tax declarations which are revised due to change in their use, area or boundaries.

Nakapagtasa rin ng PAO ng P877,151.00 transfer taxes kung saan ito ay isang uri ng buwis na sinisingil kapag ililipat ang isang ari-arian o real properties.

Maliban sa transfer taxes, nakakolekta rin ang nasabing tanggapan ng P151,450.00 para sa iba’t ibang certifications gaya ng Certified True Copy of Tax Declarations; Certificate of Property Holding; Annotation of Bailbonds and Mortgages at Verification/Research Fee.

Umaasa ang nabanggit na opisina na tataas pa ang koleksyon ng mga nabanggit na buwis pagsapit ng Disyembre.

(EMELYNE TARRANGCO-MAPPALA,DPA)