News

PA ALVARADO, MULING NAGPAALALA SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO NA MAGSUMIKAP SA PAGLILINGKOD SA BAYAN

By REDEN DELOS SANTOS, Provincial Information Office
Published 09:13 AM, January 21, 2019

PRESS RELEASE No. 21-02
21 January 2019

PA ALVARADO, MULING NAGPAALALA SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO NA MAGSUMIKAP SA PAGLILINGKOD SA BAYAN

Muling ipinaalala ni Provincial Administrator Brigadier General Rodolfo Alvarado sa mga empleyado ng kapitolyo ng Cagayan ang halaga ng pagsusumikap sa pagtulong sa mamamayan, isa sa mga prinsipyong binibigyang-diin ni Governor Manuel N. Mamba.

Binanggit ito ni PA Alvarado sa flag-raising ceremony ng kapitolyo kaninang umaga bilang pagsisimula na naman ng isang bagong linggong paglilingkod sa taong bayan.

“When you leave the Capitol, think if the services you rendered are worth the salary you received,” hamon ni PA Alvarado.

Tinukoy rin ni PA Alvarado ang pagiging bukas palad ni Gob. Mamba sa lahat ng tao liban sa mga mandurugas lalo na sa gobyerno.

Pinaalalahanan din ni PA Alvarado ang mga empleyado sa bagong hamon na haharapin ni Gob. Mamba sa pagsuong niya sa ikalawang termino sa panunungkulan.

Nakikita rin ni PA Alvarado na magpapatuloy ang mga kritiko ni Gob. Mamba. Ani PA Alvarado ang kaaway ng gobyerno ay hindi lang daw iyong mga makakaliwa kundi maging ang mga taong ayaw magpatuloy ang adminisrasyong Mamba.

Bagamat, maraming nakaatang na pambabatikos sa administrasyong Mamba hinimok pa rin ni PA Alvarado ang mga empleyado ng kapitolyo na magtrabaho ng maayos upang mapanatili ang kasalukuyang estado ng gobyerno ng lalawigan. (REDEN DELOS SANTOS)