News

P62,672,240 KABUUAN NG QUARRY TAX COLLECTION SA TAONG 2019

By Eugene Carlo C. Talosa, Provincial Information Office
Published 09:06 AM, January 8, 2020

Sa harap ng mga problema ng pagbabaha, pagkaubos ng resources, pagtigil ng operasyon ng ilang malalaking kumpanya na mag-quarry at pagtanggal ng permit ng ilang mga haulers sa Cagayan. Itinuturing parin ng Quarry Division na matagumpay ang taong 2019 para sa operasyon ng quarry sa probinsiya.

Sa panayam kay Ewin Jesus O. Buendia Jr. taga pamahala ng quarry operation sa Cagayan, sinabi nito na umabot parin ng P62.67 milyon ang kabuuang nakalap na buwis ng lalawigan mula sa quarry para sa taong 2019.

Ayon pa kay Buendia, isang ininda at nakaapekto sa koleksiyon ng buwis ay ang pagkaubos na ng resources ng ilang mga quarry sites sa bayan ng Pena Blanca na nagpatigil naman sa operasyon ng hindi bababa sa tatlong naglalakihang kumpanya ng mga contractors sa Cagayan.
Dagdag pa ni Buendia na natigil rin ang operasyon ng ilang haulers dahil narin sa ilang buwang pagbaha ng mga quarry site ng nagdaang taon.

Sinabi rin ni Buedia na bagamat bumama ang koleksiyon ay kanilang sinisigurong maayos at tapat na ginagampanan ng kanilang hanay ang operasyon ng quarry sa Cagayan ang patunay ditto ay ang hindi pagbaba sa average na P5 milyon kada buwang koleksiyon na hamak na higit na Malaki sa P5 milyon kada taon ng mga nakalipas na pamunuan.

Panghuli ay sinabi ni Buendia na ngayong taon ay ipagpapatuloy ng kanilang hanay ang maayos atv tapat pamamalakad sa operasyon quarry sa probinsiya. EUGENE CARLO C. TOLOSA