News

“ORGANISADONG KOMUNIDAD, PINAKAIMPORTANTE SA GITNA NG KALAMIDAD”- GOB. MAMBA

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:35 AM, September 11, 2018

PRESS RELEASE No. 09-12
September 11, 2018

Sa inaasahang pagdating ng Typhoon Mungkhat o “Ompong” ngayong Biyernes, binigyang-diin ni Gobernador Manuel Mamba na ang pagakaroon ng organisadong komunidad ang pinaka-epektibong paraan upang harapin ang mga malalakas na bagyo.

Ayon sa Gobernador, ito ang pinakaimportanteng karanasan niya noong Bagyong Lawin na napatunayan niya bilang mayor ng Tuao.

Naniniwala si Gob. Manny na ito ay maaaaring makatulong ngayon sa paghahanda ng paghagupit ng Typhoon Mungkhat.

“Pinaka-importante sa atin ay magkaroon ng organized community. Ang pinakaimportante pa rin ay ang neighbors helping out each other.

Kaya kina-capacitate natin sila on how to deal with disasters,” ani Gob. Mamba.

Nabanggit ito ni Gob. habang pinamumunuan niya ang Provincial Disaster Risk Reduction Council (PDRRMC) Pre-disaster Risk Assessment meeting sa Conference Hall ng Kapitollyo ngayong Martes ng umaga, Setyembre 11, bilang paghahanda kay “Ompong.”

Ayon sa PAGASA, ang naturang bagyo ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng gabi, ika-12 Setyembre, na may taglay na hanging aabot sa 210 kph at bugso na aabot sa 260 kph. Inaasahang papasok naman ito sa Cagayan-Batanes area sa Biyernes ng hatinggabi at mananalasa ito sa Sabado ng umaga.

Pinulong ni Gob. ang mga opisyal at kinatawan ng pulis, kasundaluhan, at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang na ang DepEd, DILG, PNP, AFP, at Office of the Civil Defense.

Samantala ani Gob. Manny, mahalaga ang pagtutulungan ng mga Cagayano sa ilalim ng isang organisadong komunidad sa barangay dahil mas mapapadali ang komunikasyon at mapapabilis ang pagsagip ng buhay.

“They could manage it if they are organized. It’s the organized community that can save this province again from disasters,” dagdag ni Gob. Mamba.
“[In storms in Japan and US, still there are many] deaths because they do not have a local government smaller than a city. They don’t have barangays. That’s why we see the importance of barangays. Sabi ko nga, if they abolish the provincial government, wag mo nang i-abolish yung barangay. Yung pera rito ibigay mo na sa barangay,” ani Gob. Mamba.

Ipinaliwanag din ng Gobernador kung gaano kalakas ang isang organisadong komunidad na sa tingin niya ay hindi basta-basta natitinag at naiimpluwensyahan ng mga lokal na pulitiko.

Sa katunayan, inabisuhan na ni Ignacio “Bobot” Taruc ang mga empleyado ng Provincial Office for People Empowerment na maghanda sa pagtulong sa pre-emptive evacuations at adopt-a-neighbor program kung kakailanganin. (Gerard Josef Lucena)

Francis Jorque, Map (c) PAGASA