News

OPLAN TULONG SA BARANGAY AT NBLB PROGRAM NG PGC, LUMARGA SA BAYAN NG ENRILE

By Abigail Pineda,
Published 08:45 PM, October 20, 2021
Muling lumarga ang Pamahalaang Panlalawigan Cagayan para sa programa nitong Oplan Tulong sa Barangay sa ilalim ng “No Barangay Left Behind” Program ni Governor Manuel N. Mamba sa bayan ng Enrile, umaga ng Miyerkules, Oktubre-20.
Humigit kumulang P1.9 Million ang halaga ng tulong na ibinaba ng PGC sa barangay foot soldiers ng naturang bayan na kinabibilangan ng Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Day Care Workers (DCWs), maging ang mga residenteng naapektuhan ng African Swine Fever ang kanilang alagang baboy.
Nag-abot din ang PGC ng papremyo para sa mga nagwagi sa best gulayan at manukan sa bayan ng Enrile sa ilalim naman ng “Magsakabataan program.”
May 22 barangay sa bayan ng Enrile ang tumanggap ng tig-P50,000 pondo mula sa NBLB Program ng PGC na nakalaan naman para sa youth development programs ng nasabing bayan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Miguel Decena sa patuloy na pagbaba ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa kanilang bayan.
Nanguna sa distribusyon sina Atty. Mabel Villarica-Mamba ang maybahay ng Gobernador, Board Member Rudy De Asis, Ex-Oficio Board Member Maila Ting Que, Helen Donato, PSWD Officer ng lalawigan, Pearlita Mabasa, ang ng OPA, at Mila Malonga ang Provincial Treasurer ng lalawigan, maging ang ilang mga bisita gaya nina Atty. Leonard Beltran, Kiko Kanapi, Vicente Binasoy.
(KANE MANAOAT)