News

ANIM NA INSURGENCY-CLEARED BARANGAYS SA CAGAYAN, NAKATANGGAP NG TIG-P20M MULA SA SBDP

By Abigail Pineda,
Published 12:10 PM, October 21, 2021
Nakatanggap ng tig- P20 milyon ang anim na barangay sa probinsiya ng Cagayan mula sa Support to Barangay Development Program (SBDP) sa ilalim ng Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict program ng national government.
Pinangunahan ng 17th Infantry Batallion, Phil. Army Commander, Lt. Col. Angelo Saguiguit ang nasabing pamamahagi na ginanap sa Capitol Gymnasium, Alimanao, Peñablanca.
Ang anim na barangays ay kinabibilangan ng barangay Apayao at Villareyno sa bayan ng Piat; Anurturu, Liuan, Minanga sa munisipalidad ng Rizal at Balanni sa Sto. Nino.
Tinanggap ng mga punong barangay ng nabanggit na lugar ang halaga.
Ang halaga ay gagamitin sa iba’t ibang proyekto katulad ng farm-to-market roads, health stations, school buildings, water systems, solar dryers, livelihood projects at karagdagang electric posts.
Tiniyak naman ni Lt.Col. Saguiguit sa mga contractor na babantayan ng hanay ng militar ang pagsasagawa ng proyekto upang maiwasan ang posibleng pag-atake ng mga NPA.
Muli namang hinikayat ni BGen Steve D. Crespillo, Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade ang mga mamamayang Cagayano na suportahan ang adbokasiya kontra insurhensiya para sa patuloy na progreso sa lalawigan. (BERNADETH HERALDE-CPIO)