News

HINDI PAGSANGKOT NG MGA KAWANI, OPISYAL NG PAMAHALAAN SA DROGA: PINAKAMAHALAGANG PAMANA SA SUSUNOD NA HENERASYON– GOB. MAMBA

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:30 AM, December 7, 2018

PRESS RELEASE NO. 076-12
Disyembre 7, 2018

Binigyang-diin ni Gobernador Manuel Mamba na ang hindi pagkakasangkot ng mga opisyal ng pamahalaan sa ilegal na droga ay ang pinakamahalagang pamana sa mga susunod na henerasyong Pilipino.

“Ang hirap labanan nito pero ito yung pinakamagandang ibigay natin sa mga anak natin – kung ang gobyerno ay hindi sangkot sa anumang kalakaran ng ilegal na droga,” ani Gob. Mamba.

Inihayag ito ni Gob. Mamba sa kanyang talumpati sa paglagda ng memorandum of agreement para sa Seaport Inter-Agency Drug Interdiction Unit and Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Force ng ng iba’t ibang mga ahensya sa Provincial Evacuation Center, Tuguegarao City, kahapon, Disyembre 06, 2018.

Ang mga nasabing grupo sa MOA ay pangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement groups upang paigtingin ang laban kontra sa pagpasok at pagkalat ng mga ipinagbabawal na gamot sa mga paliparan at daungan sa Cagayan.

Naniniwala si Gob. na sa pamamagitan nito ay hindi makakapasok ang anumang droga dito sa bansa. Iniugnay rin ito ni Gob. ang kahalagahan ng laban sa droga sa paglaban niya sa mga narcopolitician sa lalawigan.

“Laking pera nito sa totoo lang. Even sa vote buying o sa eleksyon, hindi mo maintindihan kung saan galing ang pera dahil sa dami ng pera. They will buy the entire province and towns. That is [because of] drugs,” dagdag ni Gob.

Aniya, sa katunayan ay nung dumating si Pangulong Rodrigo Duterte ay inabisuhan siya ng Malacanang na huwag imbitahin ang apat na alkalde sa Cagayan. Nang nagpumilit ang isa ay hindi pinayagan ang isang mayor na makuhanan ng litrato kasama ang Pangulo, ani Gob.

“Sana we will be very serious about this. Sana by the end of the day, we in the government and in the administration, kahit papaano, can reduce drug trade to a minimum because we might not have a president again who is strong-willed or determined as president Duterte,” banggit ni Gob.

Aniya, halos lahat ng Pilipino ay sinira ng ilegal na droga, lalung-lalo na ng mga umabuso sa kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagiging bahagi nito, naging negosyo ito, at pinagkaperahan ang ilegal na droga.

“Same is true with the demand side. If there are no politicians, law enforcers, judges, and prosecutors who will protect the trade, I think this will just be a street crime na madaling manghuli, magpakulong, dahil hindi nila kasama si judge, mayor, congressman, governor, senator, o si heneral,” aniya.

“Most of our local officials do not want to poke their fingers into this dahil hindi nila alam kung sino ang masasagasaan nila…That is why it only became effective in our country because the president himself is into the fight,” sinabi ni Gob.

UMPISAHAN SA GOBYERNO

“Let us start with ourselves in the government. Let us be the solution to the problems of our people. Let us be the solution to the very destruction of our institutions from the judiciary, to the law enforcement, and to the politicians,” ani Gob.

Paalala ni Gob ay lahat naman ay mamamatay na walang baon. “Money is just money. We just spend it here,” aniya.

“If we live simple lives and have simple wants, I feel that we could solve all these problems of our people and make government a solution to the many problems of our people,” ani Gob.

Naniniwala si Gob. na maaaring maging katuwang ng mga mamamayan ang kanilang pamahalaan sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa, kung saan mismong ang gobyerno ang siyang magiging ehemplo sa laban na ito.

“I feel that our people have learned so much along the way na they are now willing to accept the changes that should be led by the people especially by people from government,” aniya.

“We need government officials who do their best to respond to the call of our president for a better province, for a better country, a better future, and a better Filipino,” pagtatapos ni Gob. Mamba. (🖋Gerard Josef Lucena  Francis Jorque)