News

GOB. MAMBA, HINIMOK ANG MGA CAGAYANO NA SAMA-SAMANG SUUNGIN ANG MGA HAMON NGAYONG TAONG 2020!

Hinimok ni Gob. Manuel N. Mamba ang ang mga Cagayano na sama-samang suungin ang mga hamon ngayong taong 2020 sa ginanap na unang regular flag raising ceremony ng Kapitolyo sa unang Lunes ng buwan ng Enero 2020.

Ayon kay Gob. Mamba kailangang maging handa at maglingkod ng maayos ngayong taon dahil marami ang kailangang isaayos na mga proyekto lalo na ang mga nasira noong nagdaang kalamidad.

“I hope let’s do it together.Hindi pwedeng ako lang.I need all of you para matulungan natin lahat ng ating kapwa Cagayano”, dagdag ng Gobernador.

Samantala, naging panauhing pandangal si Forester George C. Canapi ng Environmental Management Bureau (EMB) R2 sa isinagawang flag raising ceremony. Pangunahing tinalakay niya ang anibersaryo ng R.A. 9003 at Zero Waste Month Celebration.

Paliwanag ni For. Canapi, disiplina ang kulang sa mga Cagayano kaya hindi naisasakatuparan ng maayos ang Zero waste management sa Probinsiya. Dagdag pa ni For. Canapi 50% ng total Budget ng EMB ay nakalaan sa Solid waste management.

Gumawa naman ng kanya-kanyang slogan ang bawat opisina ng Kapitolyo ng Cagayan bilang pagpapakita ng suporta sa selebrasyon ng Zero Waste Month Celebration.

 

Pangangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist ang regular flag raising ceremony ng Kapitolyo simula ngayong araw. Dinaluhan ito ng mga Department heads, Consultants, mga empleyado at iba pang opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

📸Francis Jorque