News

FOOD ASSISTANCE OPERATION SA MGA BAYAN NG AMULUNG AT ALLACAPAN MAAYOS NA NAISAGAWA, MGA NAGREREKLAMONG RESIDENTE NG MGA BAYAN BIBIREPEKAHIN ULIT NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:30 AM, October 4, 2018

PRESS RELEASE NO. 05-10
Oktubre 4, 2018

Maayos na naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang may 4,294 na Food Assistance Packs na para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong.

Ito ang pahayag ni Helen Donato ang Provincial Social Welfare and Development Officer (PSWDO) ng lalawigan.

Ayon pa kay Donato, inabot ng dalawang araw ang ginawang pamamahagi ng ayuda sa mga napinsala ng nagdaang bagyo sa kadahilanang kanilang binusisi ng husto ang mga listahang isinumite ng mga Barangay Officials at ng mga MSWD officers at Municipal Agricultirist’s Offices ng lokal na pamahalaan.

Sa datos na mula sa Provincial Relief at Repacking Command Center ng Pamahalaang Panlalawigan, nakapaghatid ng 1 063 Food Assistance Packs sa Amulung West, 1,576 ang Amulung East at 1,655 naman para sa bayan ng Allacapan.

Sa mga reklamo naman ng ilang mga residente ng mga naturang bayan ay kinuha rin ng PSWDO ang kanilang mga pangalan at mga lugar upang sila ay maberipika at maisali narin sa listahan ng mga mabibigyan ng ayuda.

Sa kabuuan, ipinaaalam din ni Donato na sa kasalukuyan ay may 14,469 ng mga pamilya sa buong probinsiya ang nahatiran ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan at asahan pa na mas tataas ang datos na ito dahil nag sisidatingan na ang mga report ng ibat ibang MSWDO sa datos na kailangan ng PGC.

Nagpaliwanag din si Donato na lahat ng nasa listahan na hindi nakuha ang kanilang rasyong tulong ay makakakuha ng doble sa pangalawang punta ng PGC sa kanilang lugar.

Liban pa sa mga bigas at grocery items para sa mga fully blown houses ang mga marginalized farm families na may sinasakang kalahating ektarya pababa ay nakakatanggap narin ng libreng binhi mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ngayong araw ay tinapos ng PGC ang pamamahagi ng food assistance sa bayan ng Allacapan. Samantala, magpapatuloy ang Oplan Tulong Cagayan sa bayan ng Santa Teresita.

Umaasa naman ang PGC na mga tamang datos naman ang ipapasa ng mga lokal pamahalaan upang maayos at walang aberya ang magaganap pang mga distribution ng Food Assistance Packs. (Eugene Carlo C. Tolosa at Gerard Tumaliuan Lucena )