News

DATING BOARD MEMBER RUDY ALVARADO, ITINALAGA BILANG BAGONG PROVINCIAL ADMINISTRATOR!

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 02:18 PM, August 7, 2018

BREAKING NEWS!
Agosto-07, 2018

Itinalaga bilang bagong Provincial Administrator ng Pamahalaang Panlalawigan si dating Board Member Rodolfo Alvarado.

Ito ang anunsyo ngayon mula sa Tanggapan ng Gobernador.

Si Alvarado ay retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines, nagsilbing Administrator ng Cagayan Special Economic Zone Authority (CEZA), Assistant Post Master General ng Philippine Postal Corporation, Commanding General ng 5th Infantry Division at 3rd District Board Member ng Cagayan.