News

DA: RICE FARMER FINANCIAL ASSISTANCE (RFFA) PROGRAM INILUNSAD

Patuloy na namamahagi ang Department of Agriculture ng tulong sa mga magsasaka ng palay na apektado sa mababang presyo ng palay sa pamamagitan ng ibinabahaging limang libong piso (P5,000.00) tulong pinansiyal sa mga magsasaka matapos ang matagumpay na mailunsad ang Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) Program ngayong araw, Enero 8, 2020.

Ayon kay DA Assistant Secretary DR. Andrew B. Villacorta sinisigurado niyang ibababa lahat ng tulong sa mga magsasaka mula sa gobyerno upang maibsan ang epekto ng Rice Tarrification law.

 

“Babangon at babangon tayo basta magsama-sama tayong harapin ang pagsubok na ito sa ating mga magsasaka,” dagdag ni Asec. Villacorta.

Tatlumpu’t tatlong (33) Probinsiya ang apektado sa implementasyon ng rice tariffication law kasama ang Cagayan at ang mga magsasakang nagsasaka ng dalawang ektarya pababa ay maaaring makatanggap ng P5,000.00 mula Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) Program.

Una ng tinanggap ngayong araw ang cash aid ng 558 farmers mula sa bayan ng Alcala, Cagayan at 745 na magsasaka mula sa bayan ng Enrile, Cagayan kasama ang dalawa pang magsasaka mula sa Tuguegarao. Tinatayang 44,974 farmers mula sa Cagayan ang magiging recipient ng nasabing programa ayon sa DA.

Samantala, hinikayat naman ni Gob. Manuel N.Mamba ang lahat ng magsasaka na makaisa at magtulungan upang malagpasan ang kasalukuyang kinakaharap ng mga magsasaka sa Lalawigan.

“Agkaykaysa tayo, agmaymaysa tayo, agtitinnulung tayo. Kaya tayo daytoy nga problema,” tugon ng Gobernador.

Nabaggit din ni Gob. Mamba sa kanyang talumpati na ang tanging susi upang mapagaan ang problema ng mga magsasaka sa Cagayan ay ang muling pagbubukas ng Aparri port at ang gagawing dredging sa cagayan river upang magkaroon ng ugnayan sa mga mayayamang bansa sa hilaga katulad ng China,Taiwan at Japan.

 

“Under my leadership I will pursue my plan of reopening the Aparri port at walang makakapigil sa plano nating I dredge ang Cagayan river,” ani Gob. Mamba.

Hiling din ng Gobernador sa DA na makiisa sa mga plano at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang matulungan ang maraming Cagayano.

Dumalo rin sina Mayor Atty. Cristina “Tin-Tin” Atonio ng bayan ng Alacala at Mayor Miguel Decena ng bayang ng Enrile sa paglulunsad ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) Program na ginanap sa Cagayan Sport Coliseum.

📸 Francis Jorque