News

CHIEF OF POLICE NG SOLANA, CAGAYAN… NAKALIGTAS SA AMBUSH!!!

NEWS UPDATE
May 15, 2018 /8:00AM

CHIEF OF POLICE NG SOLANA, CAGAYAN… NAKALIGTAS SA AMBUSH!!!

Nakaligtas sa pananambang ang Hepe ng PNP-Solana at pangkat nito nang ito ay tambangan nito lamang madaling araw ngayong Araw ng Martes, Mayo-15, 2018 sa bahagi ng Brgy. Gadu sa nasabing bayan.

Batay sa ulat mula sa Cagayan Police Provincial Office, pasado Alas-Dose ng madaling araw habang kasalukuyang nagpapatrulya ang isang pangkat ng PNP Solana sa pangunguna ni PSInsp Renz Baloran ay pinaulanan ang mga ito ng bala ng mga hindi pa natutukoy na mga armadong kalalakihan.

Agaran umanong naka-maniobra ang grupo ni PSInsp Baloran at nagawang makakober sa gusali ng isang simbahan.

Kagyat na nakatawag ng reinforcement mula Provincial Mobile Force Company na naka-base sa Carsumco, Piat at Pulisya ng nasabing bayan maging ang CPPO para respondehan ang natambangan na grupo.

Bandang Alas-Dos na ng madaling araw ng magawang ma-secure ang lugar matapos magsi-datingan ang dagdag pang pwersa ng pulisya mula sa PMFC ng Tuguegarao at RMFC na nakabase sa Sto. Nino, Cagayan.

Wala namang nasugatan sa panig ng tinambangan na hanay ng kapulisan habang patuloy ang isinasagawang pagtugis sa mga nasa likuran ng naturang pananambang.###