News

CAGAYANO PRIDE! FERRER TWINS, KASALI SA GRAND FINALS NG ASIAN SCHOOLS CHESS CHAMPIONSHIP

By Abigail Pineda,
Published 10:21 PM, July 21, 2021

Napabilang sa Grand Finals ng Asian Schools Chess Championship ang twin brothers na sina Seigneur Juancho at Jury Joaqin Bunuan Ferrer mula sa Tuguegarao North Central School matapos ang panalo sa naganap na National Youth and Schools Chess Championship 2021.
Ito ay sinalihan ng mga batikang batang chess players sa buong Pilipinas.
Nakuha ni Juancho ang ika-7th na pwesto habang nasa ika-9th na pwesto naman kanyang kapatid na si Joaqin sa Finals (under 7) ng nasabing kumpetisyon na nagtulak sa kanila paakyat sa Grand Finals.
Kahit na incoming Grade-1 pupils pa lamang ang magkapatid ay ipinamalas na nila sa ang kanilang husay sa larangan ng isports na chess.
oAyon sa kanilang ama na si Rey Ferrer, ay talagang masigasig kung mag ensayo ang twin brothers sa pamamagitan ng Youtube at saka ito aaralin ng mabuti.
Malaking tulong rin aniya ang coach nilang si Jeriel Morada sa paghasa ng kakayanan ng magkapatid maging sa kanilang tagumpay kahit nasa murang edad pa lamang ang mga ito.
Aniya sa isang FB Post mula sa paaralan ng magkapatid, isinalaysay ng kanilang ama na talagang pursigido ang dalawa sa naturang larangan.
Nagsimula aniyang maglaro ang magkapatid noong nasa Kuwait pa lamang ang mga ito habang naka-lockdown.
Nagpakita aniya sina Joaqin at Juancho ng interes noong nakita nila ang mga kapitbahay na naglalaro ng chess.
Bukod sa kambal ay ibinandera rin ng iba pang kasapi sa Chess Competion na sina Romelson Lingan, Yaneah Sophia Morada, Yosef Immanuel Morada at Joash Alton Gumiran ang galing at husay ng mga Cagayano dahil qualified rin ang mga ito sa Grand Finals ng nasabing kumpetisyon.
Si Lingan at Gumiran ay kapwa siyam (9) na taong gulang, Yosef Morada na 11 taong gulang habang si Yaneah Morada naman ay 13 taong gulang. Pinakabatang sumali ang kambal kung kaya’t lubos na nawili at nasiyahan ang kanilang magulang, coach at ang kanilang eskwelahan.
Dumaan sa matitinding kalaban mula North Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao ang anim at nakaranas rin ng pagkatalo at panalo bago napasama sa gaganaping Grand Finals.
Sa ngayon, ibinubuhos ng Ferrer twins at ng kanilang kasama ang lubos napag-eensayo sa darating na Grand Finals ng Asians Schools Chess Championship.
Sila ang kinatawan ng Pilipinas sa Championship ng patimpalak laban sa mga delegates ng iba’t ibang bansa na gaganapin sa July 29-30 via Zoom.