News

CAGAYAN PROVINCIAL JAIL KINILALANG ISA SA 10 MOST OUTSTANDING JAIL SA PILIPINAS

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:39 AM, December 4, 2018

PRESS RELEASE NO. 04-12
Disyembre 04, 2018

OIC WARDEN CATALINO V. ARUGAY, HINIRANG NA ISA SA 10 MOST OUTSTANDING JAIL EMPLOYEES OF THE PHILIPPINES

Kinilala sa kauna-unahang pagkakataon ang kagandahan, kagalingan, at kaayusan ng pamamalakad sa Cagayan Provincial Jail ng hirangin ito bilang isa sa Ten Most Outstanding Jail ng bansa ng Provincial Jail Employees Association of the Philippnes nito lamang December 3, 2018 sa National Bureau of Correction sa Lungsod ng Muntinlupa.

Sa panayam kay Mr. Catalino V. Arugay, OIC Warden ng Cagayan, sinabi nito na ang karangalan na natangap ng CPJ ay pagpapakita lamang na maayos at magagandang programang ipinapatupad ng Panlalawigang Piitan sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Manuel N. Mamba.

Sinabi pa ni Arugay na mula ng manungkulan si Gob. Mamba sa Cagayan ay malaki na ang mga pinagbago ng lalawigan at maging ang sektor na kanyang pinamamahalaan ay kanyang binago upang mas maging kapaki-pakinabang ang mga kapatid nating minsan nang nagkamali sa lipunan.

Mula sa maayos na mga kulungan, pagpapatigil ng ilan pang mga maling kalakaran sa loob at mas magandang mga programa para sa mga nakapiit ay tutok din ang pamunuan ng CPJ sa mga programang makakatulong sa pagbabago ng imahe ng mga nakapiit dito.

Dagdag ni Arugay na napakahalaga para sa kanya na makasunod ang kanyang pamamahala sa tinutuntungang plataporma ng ethical leadership at good governance ni Gob.Mamba.

Kasabay ng parangal na tinanggap ng CPJ ay hinirang din na Most Outstanding Jail Employee of the Philippines si Arugay. Ito ay pagkilala rin ng asosasyon sa galing at husay ng kanyang pamumuno sa Panlalawigang Piitan sa taong kasalukuyan.

Dahil dito nagpahayag ang opisyal na mas lalo nitong pagbubutihin at paghuusayan pa ang pamumuno nya sa loob ng CPJ.

Dalawa ang pinamamahalaan ng Panlalawigang Piitan ni Arugay, isa ang sa Carig sa Lungsod ng Tuguegarao at ang isa ay sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.

Sa kasaysayan ng Pamahalaang Panlalawigan o sa loob ng mahigit 23 na taon ng paghawak ng Kapitolyo sa CPJ ay ngayon lamang nagkaroon ng pagkilala ang Cagayan ng ganitong parangal. (Eugene Tolosa/Gerard Lucena   Angelito “Tolits” Catolos)