News

CAGAYAN, NASUNGKIT ANG 2018 RICE ACHIEVERS’ AWARDS AT PINARANGALAN DIN ANG MGA OUTSTANDING AGRICULTURAL EXTENSION WORKERS

By EMELYNE TARRANGCO-MAPPALA, Provincial Information Office
Published 08:59 AM, July 30, 2019

PRESS RELEASE NO. 29-07 | July 30, 2019

CAGAYAN, NASUNGKIT ANG 2018 RICE ACHIEVERS’ AWARDS AT PINARANGALAN DIN ANG MGA OUTSTANDING AGRICULTURAL EXTENSION WORKERS

Nasungkit ng probinsiya ng Cagayan ang prestihiyosong parangal bilang 2018 Rice Achievers’ Awards at pinarangalan din ang mga Outstanding Agricultural Extension Workers nito lamang July 25, 2019 na ginanap sa Fort Ilocandia, Laoag City.

Ayon kay Danilo T. Benitez, Supervising Agriculturist at Acting Special Assistant for Agriculture, ang patimpalak ay isinagawa pa sa nakaraang taon kung saan kikilalanin ang bawat probinsiya na nakapag-ambag ng malaking kontribusyon sa industriya ng bigas sa bansa.

Aniya, ang ganitong patimpalak ay isang mabisang paraan upang hikayatin ang mga probinsiya, cities and municipalities, agricultural extension workers, irrigator’s associations at higit sa lahat ang mga lokal na magsasaka upang mapanatili ang kasaganaan ng bigas sa ating bansa na isa sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ayon pa kay Benitez, ang binibigay ng national government na insentibo sa mga nagpamalas ng napakagandang pagganap upang makapagprodyus ng sapat na bigas sa bansa ay malaking tulong upang mas lalo silang magpursigi at higitan pa ang kanilang kasalukuyang produksyon ng bigas ngayong taon.

Bilang rice achiever, ang probinsiya ng Cagayan ay nakatanggap ng P500,000.00 cash incentives at Plaque of Recognition.

Nakatanggap din ng tig P20,000.00 at Plaque of Recognition ang mga pinarangalan na Outstanding Extension Workers na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Danilo T. Benitez
2. Pearlita Lucia P. Mabasa
3. Jose M. Catabian
4. Dolores I. Seridon
5. Joel Nicolas
6. Clarissa Maguigad
7. Eden Reyes
8. Gerino Ulsano

(EMELYNE TARRANGCO-MAPPALA, DPA)