News

“CAGAYAN AS A SLEEPING TIGER”- ATTY. CHARO MAMBA VILLAFLOR

By Susan L. Mapa, Provincial Information Office
Published 09:12 AM, September 5, 2019

Itinuturing ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Chief of Staff and OIC-Provincial Tourism Officer ng lalawigan, na isang sleeping tiger ang Cagayan hindi lamang sa usapin ng turismo at iba pang maaring makita at maibahagi nito sa ibang nasyon o sa buong mundo dahil sa napag-iwanan ang Cagayan kumpara sa ibang probinsya sa Rehiyon Dos. Ito ang mariing ipinahayag ni Atty. VIillaflor sa 3rd Enhancement Seminar ng Tourism sa Aparri, Cagayan.

Aniya, ang buong Northern Luzon ay napag-iiwanan ito kumpara sa karatig na bansa tulad ng Taiwan, Korea, China, Singapore at Hongkong dahil sa korapsyon at bad governance na naging dominante sa kasaysayan ng bansa lalo na dito sa lalawigan ng Cagayan. “Being a sleeping tiger, hindi lamang sa turismo kundi sa kabuuan ng pagbabago, ekonomiya at higit na sa kultura,” sambit ni Atty. Villaflor.

Giit pa nito na natakpan ang kultura ng pagiging isang Cagayano dahil sa matinding korapsyon ng mga nagdaang administrasyon. Ngunit sa ngayon at may tunay na pag-gogobyerno si Governor Manuel Mamba ay ito na rin ang simula ng pag-unlad ng Cagayan. At bilang paghahanda sa pag-unlad na ito ay kinakailangang ipakilala ang turismo sa Cagayan kung saan isa lamang ang hakbang na pagkakaroon ng enhancement workshop seminar na nakatuon sa community-based tourism.

Paliwanag ni Atty. Charo na kailangang ihanda ang mga tao at ang komunidad dahil ang nais ng Gbernador ay isang holistic approach ang gagawin para sa pag-unlad ng kultura at turismo ng probinsya dahil aniya hindi lamang nakatuon ang development sa infra-stracture at ekonomiya ng Cagayan.

At bilang bahagi ng paghahanda ay nagsimula pa noong taong 2017 ang dalawang beses na enhancement seminar sa turismo na hindi lamang ito nasundan ng nakaraang taon dahil sa malakas na bagyong tumama sa probinsya. Ang hindi rin pagkakaroon ng kahalintulad na aktibidad sa unang quarter ng kasalukuyang taon ay dahil naman sa nakaraang eleksyon.

Gayunman, giit pa ni Atty. Villaflor na base rin sa pahayag ni Gov. Mamba, sa tatlong taon na walang eleksyon ay walang rason na makamit lahat ng plano ng Gobernador para makamit ang pagbabago para sa lahat ng Cagayano.

Samantala, sa pangalawang araw ng 3rd Enhancement Workshop na hatid ng Provincial Tourism ay kasalukuyan ngayon ang pag-iikot ng mga deligado upang ipakita ang lahat ng tourism sites sa bayan ng Aparri at Camalaniugan, Cagayan. Ang naturang seminar nagsimula kahapon at magtatapos sa araw ng biyernes, Sept. 6, 2019.

Ang tatlong araw na seminar dito sa Aparri ay sa tulong na rin nina Mayor Bryan Chan at Vice Mayor Rommel Alameda. (SUSAN L. MAPA)