News

Basic Film-Making Intensive Training, Isinasagawa ng FDCP at Cagayan Museum

By Mia Baquiran, Provincial Information Office
Published 08:00 AM, October 7, 2019

Isang intensive course sa Basic Film-making ang isinasagawa ng Film Development Council (FDCP) sa pangunguna ng Cagayan Museum and Historical Research Center na nagsimula noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, 2019 sa Panlalawigang Museo sa Otis, Tuguegarao City.

 

Ang mga kalahok ay mga mag-aaral, guro, LGU employees at ilang mga film enthusiasts mula sa lalawigan.

Ang pagsasanay na ito ay gagawin ng limang weekends at iba’t ibang paksa ay tatalakayin ng ibat’ ibang eksperto sa larangan ng pelikulang Pilipino na mula sa FDCP. Una nang natalakay ang Production Management at Creative Producing sa ilalim ni Prof. Jag Garcia.

Ang mga nakalinyang resource speakers ay sina Popo Diaz (Production Design), Lilit Reyes (Scriptwriting), A.B. Garcia (Cinematography), Joel Saracho (Acting), Cha Escala (Editing), Sheron Dayoc (Directing), Mike Idioma (Sound Design), Pepe Manikan (Musical Score).

Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, OIC-Museum Curator ng Pamahalaang Panlalawigan, ang pagsasanay na ito ay naglalayong ipakilala sa mga Cagayanos ang pelikula bilang isang tool upang ibahagi ang kultura ng mga Cagayano.

“Sa pamamagitan ng pelikula, maipapakita natin ang ating kultura, nagkakaroon tayo ng mas malalim na pagkakalilanlan sa ating pagkatao, at napapalago din natin at lalo nating nabibigyang importansiya ang ating yamang kultural,” sambit niya.

Isa pa sa layon ng aktibidad na ito ay upang ihanda din ang mga Cagayano film makers para sa Cagayan Short Film Festival na gaganapin sa 2020.

Samantala, sa pagbubukas ng trainings at workshop noong Sabado, nag-iwan naman ng mensahe si Wilma Isleta, Film Development Support Officer ng FDCP. Kanyang nabanggit ang mga adhikain ng FDCP na palaguin ang paggawa ng pelikula sa buong bansa upang makatulong sap ag-unlad ng mga komunidad.

Nagpasalamat naman si Isleta kay Governor Manuel N. Mamba, lalo na sa kanynag maybahay an si Atty. Mabel Villarica-Mamba (isang arts and culture advocate), sa kanyang suporta sa mga ganitong mga pagsasanay.

Nag-iwan naman ni Isleta ng isang hamon sa lahat ng kalahok na maging aktibo at gumawa ng mga pelikulang nagpapakita ng tunay na kultura ng mga Cagayano.

Aang FDCP ay isang ahensiya ng gobyerno na may layuning ipakilala at palaguin ang Filipino artistry sa larangan ng pelikula. Sila ay nagsasagawa ng mga pagsasanay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang patuloy na mapalago ang film cultural heritage ng bansa.

Sa ngayon, nasa pangalawang level na sila ng kanilang film education program sa Cagayan. Ang unang training na “Planting Seeds” (Faculty Symposium) ay isinagawa noong nakaraang taon sa Cagayan Museum. (Mia Baquiran)

📷Film Development Council of the Philippines (FDCP)