News

BAGONG REGIONAL VICE PRES. NG PHILHEALTH RO2 BUMISITA SA OPISINA NI GOB. MAMBA

By REDEN L. DE LOS SANTOS, Provincial Information Office
Published 09:00 AM, July 30, 2019

PRESS RELEASE NO. 28-07 July 30, 2019

BAGONG REGIONAL VICE PRES. NG PHILHEALTH RO2 BUMISITA SA OPISINA NI GOB. MAMBA

Bumisita ngayong araw ang bagong talagang Regional Vice President ng PhilHealth RO2 na si Arsenia B. Torres sa opisina ni Gob. Manuel N. Mamba. July 30, 2019.

Nakausap ni RVP Torres sina Gob. Mamba at Assistant Provincial Health Office Dr. Rowena Alonzo at tinalakay ang ilan sa mga programa ng Philhealth sa mga Cagayano maging ang natatanggap na suporta ng ng Philhealth RO2 sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Gob. Mamba.

Ayon kay RVP Torres lubos ang pasasalamat niya sa Ama ng Lalawigan sa lahat ng ginagawa niyang tulong at suporta sa kanilang opisina kaya naman sinisigurado rin ni Vice President Torres na tutumbasan ng kanilang opisina ang natatanggap nilang suporta sa pamamagitan ng pagtugon sa iba’t ibang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na may kaugnayan sa kalusugan.

Isa sa mga nakalinyang aktibidad ng Philhealth RO2 sa mga Cagayano ay ang pamamahagi ng impormasyon o Philhealth Exposition sa pagitan ng kanilang tanggapan at mga Senior Citizen, Barangay Social Worker maging ang mga estudyante upang malaman nila ang kanilang karapatan sa sa Social Health Insurance kapag sila ay nagtrabaho na.

Samantala, tinukoy ni Gob. Mamba na walang may kakayahang mandaya sa Philhealth RO2 sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan hanggat siya ang Ama ng Lalawigan.

Patunay rito ang patuloy na pag-angat ng kita sa Philhealth ng labin dalawang (12) Districtrict Hospitals sa Probinsiya.

Dagdag ng Gobernador na kung ang Ama ng Lalawigan ay korap at pinapakiaalaman ang mga gamot at suppliers ng mga District Hospitals walang mangyayaring maganda sa buhay ng mga Cagayano. Hinikiyat niya ang bagong RVP ng Philhealth Regional Office II na isabay ang implementasyon ng kanilang mga programa sa lalawigan ngayong may malinis na paggo-gobyerno sa Cagayan.

PhilHealth-PRO- II

(REDEN L. DE LOS SANTOS)