News

250 PAMILYA SA GAGABUTAN WEST, RIZAL; NABIYAYAAN NG “DUTERTE LEGACY BARANGAYANIHAN CARAVAN” NG CPPO

By Abigail Pineda,
Published 01:25 PM, October 20, 2021
Dalawang daan at limangpung (250) pamilya mula sa Barangay Gagabutan West, Rizal, Cagayan ang nabigyan ng tulong ng “Duterte Legacy Baranggayanihan Caravan” ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) kahapon, Oktubre-19.
Sa pangunguna ni PCol. Renell Sabaldica, Provincial Director ng CPPO kasama ang ilang kinatawan ng LGU Rizal at 17th Infantry Battalion ng Phil. Army, dinalhan ng mga ito ng tulong ang may 250 katao sa nasabing lugar.
Ang mga mamamayang dinalaw ng caravan ay ang mga dating mga supporters at kaanib ng CPP-NPA na nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Mga relief goods mula CPPO at gamot na mula naman sa Provincial Health Office (PHO) ang ilan sa ipinamigay ng grupo. Nagsagawa din ng feeding program ang grupong My Brothers Keeper Life Coach kung saan halos 250 katao din ang nakisalo.
Nagpasalamat naman si Vice Mayor Joel Ruma sa ginawang ito ng tropa ng gobyerno sa mga mamamayan ng Barangay Gagabutan West. Malaking bagay diumano ang mga ganitong aktibidad upang tuluyang maiwaksi ng mga mamamayan ang paniniwala sa mga rebeldeng organisasyon.
Sinabi naman ni Col. Sabaldica na handa ang kanilang hanay na patuloy na magbigay suporta sa mamamayan ng Gagabutan West sa lahat ng oras at pagkakataon. (Eugene Carlo C. Tolosa-CPIO )