Tinanghal bilang Most Outstanding Local Civil Registrar (LCR) sa Medium Category sa buong bansang Pilipinas ang Peñablanca LCR sa ginanap na 2nd Philippine Identity Summit at 3rd National Convention on Civil Registration and Vital Statistics na isinagawa sa SMX Convention Center, Bacolod City nitong Setyembre-28.

Ito ang inanunsyo ni Engr. Elena U. Rivera, Provincial Director ng PSA Cagayan/ Vice-Chair ng Provincial Statistics Committee sa ginanap na regular flag raising ng Kapitolyo ng Cagayan ngayong Lunes, Oktubre-02.

Maliban dito, nakuha rin ngayong taon ng Peñablanca LCR ang Most innovative LCRO at Hall of Fame Circle of Excelence sa loob ng 5 taon sa buong bansa.

Samantala, inanunsyo rin PD Rivera ang mga nakalinyang aktibidad kaugnay sa selebrasyon ng 34th National Statistics Month (NSM) ngayong Oktubre.

Ilan sa mga isasagawang aktibidad ani PD Rivera ay ang Stakeholders Appreciation Day sa Oktubre 6; Forum on Vital Statistics sa Oktubre 13, Statistics Provincial Quiz bee sa Oktubre 27 at marami pang iba.

Ang NSM ay base sa Proclamation No.647 na nagdedeklara na ito ay ginugunita tuwing buwan ng Oktubre. Ang tema ngayong taon ay Accelerating Progress: Promoting data and Statistics for healthy Philippines.