Activity / Event

Unmanned Aerial Vehicle (DRONE PILOT) Training para mapag-igting ang Disaster Response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan

By Abigail Pineda,
Published 11:50 AM, October 20, 2021
Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang 3-araw na pagsasanay sa pagpapalipad ng Unmanned Aerial Vehicle (DRONE PILOT) Training para mapag-igting ang Disaster Response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Ang isang uri ng UAV o DRONE na pinundar ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Kapitolyo ay kauna-unahan sa Rehiyon 02.
Pagkatapos ng pagsasanay ay maaari ng kumuha ng lisensiya sa CAAP ang mga piling kawani ng PDRRMO at CPIO para maging Licensed Drone Pilot.