Activity / Event

Ilang mga kawani ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PNREO)

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:32 AM, August 8, 2018

Ilang mga kawani ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PNREO) at Bantay Quarry Cagayan ang kasalukuyang nag-iinspeksyon sa may dalawang ektaryang lupain sa Barangay San Luis, Tuao East, Cagayan na pagdarausan ng Tree-Planting Activity ng Provincial Government of Cagayan sa Lunes, August 13, 2018.

Pinangunahan ni Forester Mario G. Hipolito ang grupo ng PNREO at Bantay Quarry na mai-delineate ang lugar at matatakan sa pamamagitan ng pag estaka ang mga lugar para maayos namaisagawa ang magaganap na Tree Planting Activity.

Sinabi naman ni Edwin Jesus O. Buendia, Jr. na ang magaganap na aktibidad ay pangungunahan mismo ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba kasama ang mga kawani ng Kapitolyo ng Cagayan at ilan pang mga ahensya ng gobyerno.
Inaasahang aabot sa 1,500 seedlings ang maitatanim ng mga kawani ng pamahalaan.

Ang magaganap tree-planting activity ay bahagi ng pakikiisa pamahalaang panlalawigan sa selebrasyon ng patronal na kapistahan ng silangang bahagi ng Tuao, Cagayan. (Gerard Lucena at Eugene Tolosa)