Activity / Event

HANDS-ON TRAINING NG MGA LIVESTOCK TECHNICIANS SA CAGAYAN, ISINAGAWA NG PVET

By Abigail Pineda,
Published 03:56 AM, October 19, 2021
Isinagawa ng Provincial Veterinary Office (PVET) ang hands-on training ng mga livestock technician ng Buguey, Sta. Teresita, Gonzaga, Camalaniugan at Sta. Ana nitong nakaraang October 14-15. Ang lektura ay unang ginawa sa isang hotel at ang kanilang hands-on ay sa slaughterhouse ng Gonzaga, Cagayan.
Sinabi ni Dr. Myka Ponce, Veterinarian II ng PVET na ang pagsasanay ay hinggil sa iba’t ibang sakit ng mga alagang hayop tulad ng baboy. Ang kanilang hands-on training naman umano ay patungkol sa sample collection para sa laboratory analysis.
Idinagdag pa ni Dr. Ponce na ang mga participants na pawang mga Agricultural Extension Workers (AEWs) ay nabigyan rin ng mga gamit na kakailanganin nila sakaling may mga suspect cases sa kanilang mga lugar.
Layon rin umano ng aktibidad na magkaroon ng epektibong animal disease information system para malaman ang signs and symptoms ng mga sakit ng hayop, kapabilidad sa blood collection, labelling of samples at ang tamang handling for laboratory examination.
Pinangunahan naman nina Dr. Wilfredo S. Iquin Jr, Veterinarian III, Dr. Elma Bermudez at Dr. Gilberto Ancheta, Veterinarians ng PVET ang nasabing pagsasanay na dinaluhan ng sampung (10) livestock technicians.
Samantala, inaasahang magpapatuloy ang naturang aktibidad sa ibang bayan sa mga darating na araw hanggang sa buwan ng Nobyembre. Gayunman ay nakadepende pa rin umano ito sa sitwasyon ng Covid-19 cases sa bawat bayan sa Cagayan.
Ang cluster A ay sa Abulug, Calayan, Claveria, Pamplona, Sanchez Mira at Sta. Praxedes. Cluster B naman ay sa Allacapan, Aparri, Ballesteros, Gattaran, Lal-lo at Lasam. Ang cluster D ay sa Alcala, Amulung, Baggao, Iguig, Penablanca at Tuguegarao City. Habang ang Cluster E ay sa Piat, Enrile, Rizal, Solana, Sto. Nino at Tuao. (Susan L. Mapa-CPIO)