Activity / Event

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:34 AM, October 4, 2018

Walang patid na pagtulong sa mga Cagayano na nangangailangan ng pinansyal at medikal na tulong mula sa lokal na pamahalaan sa ginanap na Governor’s People’s day kaninang umaga, Oktubre 04, 2018 sa Governor’s Pavilion, Capitol Compound, Capitol Hills, Penablanca.

Kaugnay nito ay pinagkalooban din ng P3M na tulong pinansiyal sa bayan ng Allacapan mula sa No Barangay/Town Left behind na programa ng Pamahalaang Panlalawigan. Ang ipinamahaging P3M ay mula pa sa badyet ng 2017.

Nagbigay din ng P300,000 ang Landbank of the Philippines bilang tulong sa mga lubhang nasalanta ng Bagyong Ompong.

Muling pinaalalahanan din ang mga dumalo na humihingi ng tulong para sa kanilang mga nasirang bahay at pananim dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong o ang mga dumalo dahil wala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga tutulungan. Ang Master List o ang listahan na sinusunod ay mula sa MSWDO o Municipal Social Welfare and Development Office at MAO o Municipal Agriculturist Office.

Ang nararapat lamang na gawin ay ipalista ang inyong mga pangalan at patunay kagaya ng litrato ng inyong bahay sa inyong Barangay Captain upang ma-certify ito at ma-update o mabago ang kopya ng listahan ng MSWD office at Municipal Agriculturist Office.

Kaugnay din nito ay muling binalaan ni Gob Mamba ang mga humihingi ng tulong na nag-kukunwaring nasiraan para lamang makatanggap ng tulong at lalung-lalo na ang mga opisyal ng barangay na “wag mamulitika at magtrabaho muna” at ibigay ang nararapat na tulong sa mga lubos na nangangailangan.

Francis Jorque