Full Article

ADVISORY FROM THE OFFICE OF THE GOVERNOR

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 12:39 PM, September 5, 2017

ADVISORY FROM THE OFFICE OF THE GOVERNOR
ISSUED @ 4:00AM TODAY
SEPTEMBER 05, 2017

WALANG PASOK NGAYONG ARAW NG MARTES, SETYEMBRE-05, 2017 MULA PRE-SCHOOL HANGGANG SENIOR HIGH SCHOOL SA BUONG CAGAYAN DAHIL SA BANTA NG BAGYONG KIKO!!!

Idineklara ngayon ni Governor Manuel Mamba na walang pasok mula pre-school hanggang senior high school kapwa sa public at private schools sa buong Cagayan dahil banta ng “Bagyong Kiko”.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO) upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataang mag-aaral sa lalawigan.

Mananatili ang suspension ng klase sa mga nasabing antas hanggat hindi ito binabawi ni Gov. Mamba na siya ring tumatayong Chairman ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Council (PCCDRRMC).

Samantala, inaasahang makakaranas ang buong lalawigan ng bahagya hanggang mabigat na pagbuhos ng ulan dahil sa Bagyong Kiko kaya inaabisuhan ang mga nasa mababang lugar na maging alerto sa anumang posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaabisuhan din ang mga mangingisda at manlalayag na huwag munang pumalaot dahil sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Kiko.

Manatiling nakaantabay sa Cagayan Provincial Information Office Offcial Facebook Page para sa mga updates.

ROGIE SENDING
OIC-Provincial Information Office