Full Article

ADVISORY FROM THE OFFICE OF THE GOVERNOR

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 09:28 AM, November 8, 2017

ADVISORY FROM THE OFFICE OF THE GOVERNOR
ISSUED @ 7:00 PM TODAY, NOVEMBER 07, 2017

KLASE SA PRE-SCHOOL HANGGANG SENIOR HIGH SCHOOL SUSPENDIDO PA RIN BUKAS, ARAW NG MIYERKULES, NOBYEMBRE-08, SA BUONG CAGAYAN MAPA-PUBLIKO O PRIBADONG PAARALAN!

Suspendido pa rin ang klase mula pre-school hanggang senior high school mapa-publiko o pribadong eskwelahan sa buong Cagayan bukas, Araw ng Miyerkules, Nobyembre 08, 2017.

Ito ay dahil malawak pa rin ang apektado ng pagbaha matapos ang paglobo ng Cagayan River at tributaryo nito bunsod ng mga mabibigat na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Batay sa pagtaya ng Cagayan Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO), bagamat humupa na pag-ulan sa buong maghapon ngayong araw ay mabagal pa rin ang pagbaba ng tubig sa Cagayan River na nagdudulot pa rin ng pagbaha sa maraming lugar sa lalawigan.

Dahil dito ay masusing inaral ng PCCDRRMO ang kasalukuyang sitwasyon kaya inirekomenda pa rin ng nasabing tanggapan na suspendihin pa rin ang klase mula pre-school hanggang senior high school bukas.

Ayon kay Bonifacio Cuarteros, Hepe ng PCCDRRMO, kahit patuloy ang pagbaba ng level ng Cagayan River ngayong magdamag ay masyadong mataas ang peligro sa mga kabataang mag-aaral kung papasukin na sila sa klase bukas dahil marami pa ang binabahang lugar.

Inayunan naman ni Gov. Manuel Mamba ang rekomendasyon ng PCCDRRMO kaya mananatili ang suspensyon ng klase sa mga nasabing antas bukas.

Manatiling nakatutok sa Cagayan Provincial Information Office Facebook Page para sa mga opisyal na abiso mula sa Tanggapan Ng Gobernador.

Maraming salamat po.

ROGIE SENDING
OIC-Provincial Information Office